DRUN
-- Advertisements --

Nabulabog ang mga bumbero ng Canberra, Australia matapos na isang tawag ang kanilang nirespondehan na nagkaroon umano ng gas leak sa isang establishimento.

Mabilis na tinungo ng mga bumbero ang lugar at kinordon ito.

Nagtaka na lamang ang mga ito dahil sa hindi nila mahanap ang pinagmulan umano ng gas leak at ng magsiyasat mabuti ay nagmula pala ito sa amoy ng prutas na durian.

Itinuturing kasi ang nasabing tropical fruits ng Southeast Asia ito bilang “king of fruits” na may pagkatamis at pait na lasa subalit nagbibigay ng kakaibang amoy nito.