Reading Time: 1 minute
JESSIE MCCARTNEY
Jesse McCartney/ IG post

Dumating na sa bansa ang American singer na si Jesse McCartney.

Magsasagawa kasi ito ng concert sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City.

Ilan sa mga masuwerteng fans ang agad na nakipag-selfie sa singer pagdating pa lamang nito sa paliparan Miyerkules ng gabi.

Unang sumikat ang singer noong 2004 sa paglunsad ng kaniyang album na “Beautiful Soul” kung saan pasok ang kanta sa Billboard 100 charts sa US.

Nakagawa ito ng kabuuang apat na album na ang huling pinasikat nitong kanta ay “Wasted” na siyang follow sa pinasikat na kantang “Better With You”.