-- Advertisements --
bi

Matagumpay  na inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang isang American national na convicted sa kasong may kinalaman sa sex crimes sa Ninoy Aquino International Airport.

Sa isang pahayag, sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco, ang pugante ay  kinilalang si Todd Jolan Jones ,60 anyos.

Si Jones ay dumating sa bansa sakay ng isang flight mula sa Taipei.

Kaagad na tinanggihan ng mga Immigration personnel si Jones na makapasok sa bansa  at ibinooked sa isang flight patungo sa kanyang pinanggalingan na lugar.

Inilagay na rin ang kanyang pangalan sa blacklist ng Bureau of Immigration dahil sa pagiging undesirable alien nito.

Paliwanag ni Tansingco, si jones ay isang sex offender at ito ay malinaw na ipinagbabawal na mapayagang makapasok ng bansa sa ilalim ng Philippine Immigration Act dahil sa naging hatol sa kanya na may kinalaman sa moral turpitude.

Aniya, may posibilidad na ulitin nito ang kanyang ginawang krimen sa kabila na naging hatol at isinilbing sintensya laban sa kanya. 

Ayon sa gobyerno ng US, si Jones ay hinatulan ng korte ng California noong 2000 ng tatlong counts ng sexually molesting sa mga bata na wala pang 13 anyos. 

Ipinaalam ng mga awtoridad ng US sa BI ang tungkol sa kanyang nalalapit na pagdating sa Manila halos ilang oras bago lumapag ang kanyang eroplano sa paliparan.

Ito ang nag-udyok kay Tansingco na maglabas ng alert order dahilan upang maharang ang naturang pugante.