KORONADAL CITY – Naniniwala ang pulisya na posibleng may kinalaman sa trabaho ang nangyaring pamamaril sa isang provincial prosecutor at mga kaanak nito sa Cotabato City.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni kay police Col. Portia Manalad, city director ng Cotabato PNP hanggang ngayon ay inaalam pa nila ng kanilang hanay ang mga posibleng persons of interest sa pag-ambush sa biktimang si Atty. Tucod Ronda, na naninilbihin bilang Maguindanao provincial prosecutor.

-- Advertisement --

Kasama niyang nasawi ang kaniyang ka-anak na sina Abol Taya Ronda at Nestor Ronda sa Penafrancia Village, Brgy. Rosary Heights 11 nitong Biyernes.

Sa ngayon kinakalap pa raw ng pulisya ang kopya ng CCTV sa lugar, pati statements ng mga witness.

Nasa ligtas na kalagayan na ngayon si Atty. Ronda pero kritikal pa kalagayan ng dalawang kaanak nito.

Na-recover sa crime scene ang calibre-5.56 at calibre-.45 n armas mula sa mga suspek.

Sa ngayon, itinuturing namang isolated case ng mga otoridad ang naturang pangyayari.