Naniniwala si Justice Sec. Menardo Guevarra na hindi na umano kailangan pang patawan ng disiplinary action si Philippine Ambassador to Japan Jose Laurel V.

Kaugnay ito sa binitiwang pahayag ni Laurel ukol sa umano’y pabuya ng Pangulong Rodrigo Duterte sa mga miyembro ng gabinete ang pagsama sa mga ito sa Tokyo, Japan.

Paliwanag ni Guevarra, sapat na raw na pagsabihan si Laurel ukol sa kanyang ginawa.

Gayunman, sinabi ni Guevarra, wala raw siyang ideya kung ano ang magiging kapalaran ni Laurel dahil sa kanyang naging pahayag.

Una nang sinabi ng Malacañang na sagot daw ng organizer ng Nikkei Business Forum ang gastos ng mga delegado mula sa bansa.