CENTRAL MINDANAO- Habambuhay na pagkabilanggo ang parusa ng korte sa isang ama na gumahasa sa kanyang sariling anak sa Kidapawan City.

Ito ay base sa hatol ni Judge Jose Tabaosares ng Regional Trial Court (RTC-12) Branch 17 sa isinagawang promulgation ng kaso.

Matatandaan na nahaharap sa dalawang kasong rape ang suspek, una naganap noong 2016 kung saan 10 gulang pa lamang ang biktima at ang pangalawa ay noong May 2019 kung saan siya ay labintatlong gulang na.

Inamin mismo ng ama na ginahasa niya ang sariling anak dahil sa sobrang kalasingan.

Ang suspek ay dapat makabayad sa bawat kaso 100,000 pesos para sa civil indemnity, 100,000 para sa moral damages at 100,000 naman sa exemplary damages.