Reading Time: 1 minute

CAGAYAN DE ORO CITY – Sinampahan na ng patung-patong na kasong kriminal ang ama na unang umanin na ginawa niya na sex slave ang sariling anak sa Barangay Agusan, Cagayan de Oro City.

Sinabi sa Bombo Radyo ni Puerto police station commander Capt Mario Mantala Jr. na kinilala ang suspek na si Gilbert Llanora, nagpakilalang miyembro ng Philippine Military Intelligence Group sa lungsod.

Inihayag ni Mantala na kabilang sa isinampa nila na kaso ang multiple rape, attempted rape, illegal possession of firearms at usurpation of authority dahil nagkunwari na sakop ng intelligence group.

Sinabi sa Bombo Radyo ni Mantala na nabulgar ang higit anim na taon na umano’y “pamba-baboy” ng suspek nang nakatakbo ang biktima sa kanilang himpilan upang humingi ng tulong.

Dagdag ng opisyal na edad 8-anyos pa lamang sinimulan ng suspek ang panghahalay nito sa biktima hanggang umaabot na ito sa 16-anyos.

Iginiit ng suspek na kaya nito ginawa na sex slave ang anak ay dahil nawawala raw ito sa sarili kapag nakikita na naliligo sa kanilang bahay.

Natuklasan na matagal nang hiwalay ang suspek sa kanyang asawa habang tanging ang biktima at kapatid na babae nito ang kasama niya sa maliit lamang nila na bahay sa lungsod.