-- Advertisements --
DOH entrance

Panibagong record-high na kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang naitala ngayong araw ng Department of Health (DOH).

Mula sa 74 laboratories na nag-submit ng kanilang datos ay pumalo ng 6,958 ang nadagdag sa kaso ng deadly virus sa Pilipinas.

4,163 ang naitala mula sa National Capital Region (NCR), 400c cases sa Laguna, 363 sa Rizal, 312 mula Cavite at 178 naman ang nanggaling sa Bulacan.

Pumalo naman sa 633 katao ang gumaling dahilan upang sumampa na ng 68,159 ang total recoveries.

Nasa 143 duplicate cases ang tinanggal ng ahensya mula sa kabuuang bilang ng mga recoveries.

Habang nadagdagan pa ng 24 ang namatay kung kaya’t umabot na ng 2,294 na ang kabuuang bilang ng nasawi dahil sa deadly virus.

Isang duplicate case lamang ang tinanggal mula sa COVID-19 list ng mga pasyenteng namatay.