-- Advertisements --
Mayor Sharon Escoto 1

LEGAZPI CITY – Ibinida ni Mayor Sharon Escoto ng Gubat, Sorsogon ang mga best practices ng bayan sa isang session na bahagi ng nagpapatuloy na 2021 United Nations Climate Change Conference (COP26) sa Glasgow, Scotland.

Si Escoto, ang tanging Filipino na naimbitahang maging speaker sa paksang Building Coastal Resilience in SIDS (Small Island Developing States) and LDCs (Least Developed Countries) through Comprehensive Risk Management.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi, ibinahagi ni Escoto sa session ang malaking tulong ng malawak na taniman ng mangroves sa bayan upang magprotekta sa kanilang water source sa mahabang panahon.

Naging atraksyon din ito sa mga turista kaya’t nakapagpasulong ng local employment.

Sa 42 barangay sa bayan, 13 ang coastal areas na pinakaapektado kung may kalamidad kaya’t naglatag rin ng mga pamamaraan sa paghahanda sa risks.

Samantala, hinikayat ni Escoto ang mga kababayan na maging bahagi ng solusyon sa patuloy na paglaban sa mga bantang kaakibat ng usapin sa climate change.