LA UNION – Agad inaksyonan ni Mayor Alf Ortega ng San Fernando City, La Union ang paghingi ng tulong ng isang residente sa syudad, para sa kanyang ina na naka-confine sa isang ospital sa Gumaca, Quezon Province dahil sa lumala at kumalat na pigsa sa kaniyang katawan.

Una nang nanawagan ng tulong sa Bombo Radyo La Union si Phillip Kinney ng Barangay Catbangen para mapuntahan ang kanyang inang si Ma. Philea na may sakit.

Agad tumugon si Mayor Alf matapos mapanood sa FB Live ng Bombo Radyo La Union ang pagsusumamo ni Phillip Kinney at nagkausap na rin ang dalawa.

Nabatid ng Bombo Radyo La Union na nakipag-ugnayan na rin si Mayor Alf kay Congressman Mark Enverga ng Quezon Province para mabigyan ng tulong ang pasyente.

Siniguro ng alkalde ang tulong kay Phillip, para makita na nito ang kanyang ina.