Reading Time: 1 minute
Tuxtla Guiterrez
Tuxtla Guiterrez

Kinaladkad palabas ng kaniyang opisina at itinali ng mga galit na magsasaka ang alklade ng Tuxtla Guiterrez sa Mexico.

Naganap ang insidente ng biglang lumusob ang nasa 30 magsasaka sa loob ng city hall.

Kinaladkad palabas si Mayor Jorge Luis Ecandon at itinali sa likod ng truck.

Bago pa man madala sa malayong lugar ay doon na dumating ang mga kapulisan at ilang mga public employees asng nagtulong-tulong para mapalaya ang alkalde.

Hinihiling kasi ng mga magsasaka ang direktang cash transfers na tulong sa kanila.

Binantayan na ng mga kapulisan ang opisina ng alkalde para hindi na maulit ang insidente.