Kanya-kanyang ispekulasyon ang idinulot sa fans nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica ang ilang posts ng celebrity couple na tila ba sentimyento ng mga ito.

Sa panig ng 30-year-old actor, huling misteryosong post nito ilang araw pa lamang ang nakalilipas ay yaong may hawak siyang rosaryo kung saan nagdasal aniya siya kaya nagkaroon ng peace of mind.

Mas marami naman ang “cryptic” posts ng 28-year-old actress kabilang ang patungkol sa pagiging “submissive, but not stupid,” at ang kahalagahan ng pagmamahal sa sarili.

Kylie P 6
Kylie Padilla 3

Kapansin-pansin din na wala na sa IG account ng anak ni Robin Padilla ang mga larawan ni Aljur, idagdag pa ang larawan ng kanyang kanang kamay kung saan hindi na suot ang wedding ring with matching caption na “free.”

Burado na ang naturang picture pero may mga netizen ang mabilis na nakapag-screenshot.

Taong 2017 nang mauwi sa engagement ang kanilang limang taon na on-and-off relationship bilang magkasintahan hanggang sa ikinasal noong 2018 at biniyayaan ng dalawang anak na lalaki.

Kung maaalala, nagkaroon ng tampuhan si Kylie at ama nitong “Bad Boy in Philippine Showbiz” dahil hindi nasunod ang request na magpakasal na sila ni Abrenica noong kasagsagan ng kanyang pagbubuntis.