Pormal nang nagkaayos ang TV host/vlogger na si Alex Gonzaga at Parañaque City re-elected Mayor Edwin Olivarez.

Ito’y matapos nagtungo mismo ang 31-year-old comedianne sa Parañaque City Hall kanina kung saan ito humingi ng paumanhin sa alkalde.

Kaugnay ito ng naging patutsada ni Alex laban sa alkalde habang nasa isang political campaign sa Paranaque kamakailan kung saan nag-endorso siya ng isang partylist kasabay ng pagtawag kay Olivarez na “may pagkamadugas.”

Inulan ng batikos ang kapatid ng celebrity ding si Toni Gonzaga.

Sa panig naman ng Paranaque mayor, muli nitong iginiit na hindi niya dinamdam ang nasabing hirit ni Alex at na-appreciate daw nito ang personal nilang pagkikita ngayong araw.