Bahrain covid

LAOAG CITY – Umabot na sa walong katao ang namatay dahil sa Covid-19 sa Bahrain.

Ito ang ulat ni Rose Agpalza Lucas, tubong Ilocos Norte pero kasalukuyang nagtatrabaho sa isang beauty parlor sa Bahrain.

Sinabi ni Lucas na isa lamang ang naitalang namatay noong araw ng Lunes pero kagabi ay naireport na walo na ang patay dahil sa nasabing virus.

Dahil dito, sinabi niya na nagpa-panic na rin silang mga Pilipino dahil sa bilis ng pagkalat ng nasabing sakit.

Kwento pa ni Lucas, kahit ang kanilang mga employers ay nangangamba na rin para sa kanilang kalusugan kaya halos ipanligo na nila ang alcohol.