PNP chief Oscar Albayalde

Binalaan ni PNP Chief Gen. Oscar Albayalde ang mga kandidato na sumusuporta sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) na nagbibigay suporta sa nasabing grupo.

Ayon kay Albayalde, sa sandaling mahuli ang mga nasabing kandidato na nagbabayad ng campaign fees, sasampahan sila ng kaso partikular ang paglabag sa Republic Act 10168 o ang The Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012.

Sinabi ni Albayalde na batay sa kanilang reports, nasa 349 government officials ang nagbibigay ng suporta sa CPP-NPA sa pamamagitan ng extortion money and permit to campaign fees.

Sa nasabing bilang, 11 ang provincial governors; limang vice governors; 10 provincial board members; 55 mayors; 21 vice mayors at 41 councilors.

Kabilang din sa listahan ang nasa 126 barangay chairmen, 50 barangay councilors, at walong barangay officials.

Dagdag pa ni Albayalde, ang pagbibigay ng suporta sa komunistang grupo ay isang kataksilan o disloyalty na maaaring maparusahan sa ilalim ng Revised Penal Code.

“And if it is proven tha the “fee” is made as part of a conspiracy to overthrow the government, the ‘donor’ may be held liable as co-conspirator in the crime of rebellion,” wika ni Albayalde.

Samantala, ayon kay Interior Sec. Eduardo Año, umabot na sa P195.5-milyon ang nakuhang pera ng komunistang grupo noong 2016 hanggang 2018 elections.