Aabot sa mahigit P100,000 na halaga ng mga kagamitan at pera ang natangay ng mga kawatan sa isang bahay sa Tondo, Maynila.

Ayon sa mga biktima, iniwan nilang walang tao sa kanilang bahay dahil sila ay nagbakasyon sa isang resort sa Laguna.

Laking gulat na lamang nila ng dumating sila ay nagkalat na ang mga gamit sa loob ng kanilang bahay.

Ilan sa mga natangay ang mga cellphone, mamahaling bag, pera at relo.

Hinihinalang dumaan sa bintana ang suspek at sinamantala ang kawalan ng tao sa bahay.