ERDILYN PERALTA
ERDILYN PERALTA

KALIBO, Aklan—Itinuturing ng isang Aklanon bronze medalist sa larong soft tennis double na kampeon din ang mga ito matapos na makalaban ang mga world class athlete mula sa bansang Indonesia at Thailand sa Rizal Memorial Tennis Center.

Ayon kay Erdilyn Peralta na tubong Kalibo, Aklan na kahit mahirap ay pilit nilang sinabayan ang mga beteranang atletang nakalaban sa nagpapatuloy na Southeast Asian (SEA) games.

Aniya, mas lalong nagpalakas ng kanilang loob ang home crowd, kung saan, matindi ang suportang ipinakita sa koponan makaraang makapuntos o magkaroon ng error sa laro.

Sa kabilang dako, labis nilang ikinatuwa at ipinagmamalaki ng kaniyang partner na kapwa rookie sa SEAG ang pag-ambag nito ng medalya sa Philippine Team.

Nagpasalamat din ito sa kanyang mga kaanak at sa mga taong sumuporta sa kanyang SEA Games journey.