Inamin ng Pinoy boxing superstar na si Sen. Manny Pacquiao na hanggang ngayon ay tila hindi pa rin siya makapaniwalang patay na ang kaibigang NBA legend Kobe Bryant.

Ayon kay Pacquiao sa panayam ng Bombo Radyo, inisip niya noong umpisa na “fake news” lamang iyon, kagaya ng ibang mga lumalabas sa internet na nagsasabing patay na ang ilang kilalang personalidad.

-- Advertisement --

Pero kalaunan ay nalaman umano niyang totoo ang pagpanaw ni Kobe at labis niya itong ikinalungkot.

Nanawagan ang boxing legend na ipanalangin na lamang ang mga naiwan ni Bryant para magkaroon ng lakas ng loob na maka-move on mula sa nakakagulat at malungkot na pangyayari.