Inamin ng airline company na EasyJet na pinasok sila ng cyber-attack at naapektuhan ang mahigit 9 million nilang customers.

Ayon sa kumpanya na napasok ng mga hackes ang mga email address at travel details ng 2,208 nilang customers.

Ipinaalam na ng kumpanya sa Information Commissioners Office ng United Kingdom ang nasabing pangyayari.

Noon pang Enero aniya ay alam na ng kumpanya ang nasabing pag-atake.

Nagsasagawa naman na ng imbestigasyon ang mga otoridad sa nasabing pagpasok ng cyber-hackers sa nasabing kumpanya.