Isinilang na ng singer na si Aicelle Santos ang anak nilang babae ng asawang journalist na si Mark Zambrano.

Sa social media account ng dalawa, nagpost ang mga ito ng larawan ng anak na pinangalanang si Zandrine Anne.

https://www.instagram.com/p/CIcfT03j2Ys/

Labis ang pasalamat ng dalawa dahil sa pagdating ng malusog nilang anak.

Bumuhos naman ang pagbati mula sa mga malapit na kaibigan at kaanak ng dalawa.

Magugunitang ikinasal ang dalawa noong Nobyembre 2019.