Reading Time: 1 minute
Aiai and Ex B 1
Aiai and Ex-B

Tuluyan ng nagbitiw bilang manager ng grupong Ex-Batallion si Aiai Delas Alas.

Ayon sa komedyante, napuno na ito hindi pagbibigay respeto ng mga ilang miyembro sa kaniya kaya nagdesisyon na itong tapusin na ang kaniyang kontrata.

Binigyan diin nito na dapat maging professional ang mga ito kung saan nararapat na itrato ng tama ang ibang tao.

Inami din nito na matagal na sana itong nagbitiw subalit hinintay niyang maipalabas muna ang kanilang pelikula.

Labis ang pagsisisi nito ng tanggapin ang pagiging manager ng grupo dahil pinagbigyan niya ang mga ito ng lumapit ang mga ito sa kaniya at humingi ng tulong sa kaniya.