Reading Time: 1 minute

CAGAYAN DE ORO CITY-Iginiit ni Ahon sa Kahirapan Movement legal counsel Atty. Al Vitangcol na mayroong kasalanan ang Security and Exchange Commission o SEC kung bakit inutos ni Pres. Rodrigo Duterte ang pagpasara ng KAPA Community Ministry International at tinagurian itong investment scam.

Ginawa ni Vitangcol ang pahayag sa isang presscon na kanilang ginawa sa pamamagitan ng social media.

Sinabi ni Atty. Vitangcol na nangyari ang lahat nang ito dahil hindi tinanggap ng SEC ang re-registration ng KAPA. Aniya, dapat bigyan ng due process ang pamahalaan ang pagwawalang bisa ng SEC sa mga negosyo na pinasukan ng kanilang grupo.

Ang Ahon sa Kahirapan Movement, mayroong mahigit isang milyong KAPA members sa buong bansa.