LOOP: Agriculture Secretary Laurel, Solar-Powered Irrigation System projects, Department of Agriculture, sakahan, dating Agriculture Secretary Manny Piñol
Ipinag-utos ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang pagrepaso sa mga Proyekto ng Solar-Powered Irrigation System (SPIS) ng Department of Agriculture (DA) kasunod ng mga pahayag na ang ilan sa mga unit nito ay napabayaan o hindi na gumagana.
Sa isang pahayag, sinabi ng kagawaran na naglabas ng kautusan si Laurel kasunod ng post online ni dating Agriculture Secretary Manny Piñol tungkol sa isang Solar-Powered Irrigation System sa Mlang, Cotabato na natapos noong 2020 ngunit hindi nai-turn over sa mga benepisyaryo ng magsasaka.
Dahil dito, naglabas si Laurel ng direktiba sa mga Regional Executive Director (RED) ng Department of Agriculture na magsagawa ng pagsusuri sa Solar-Powered Irrigation System (SPIS) Projects sa tulong ng pribadong sektor sa pangunguna ni Piñol.
Ayon nsa Department of Agriculture, mayroong higit sa 200 Solar-Powered Irrigation System units na itinayo sa buong bansa mula nang gamitin ito bilang isang banner program ng naturang kagawaran noong 2017.