edgard arevalo spox
AFP spokesperson Brig. Gen. Edgard Arevalo

Hiniling ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa publiko na itigil na ang pagpapakalat ng video na nagpapakita ng hazing sa Philippine Military Academy (PMA).

Ayon kay AFP spokesperson BGen. Edgard Arevalo, walang makikinabang sa pagpapakalat ng video bagkus lalo pang madagdagan ang insulto para sa mga nabiktima.

Giit ni Arevalo, nararapat lamang bigyan ng pagkakataon ang mga pamilya ng biktima na maghilom sa sakit na dinanas ng kanilang mga mahal sa buhay.

Panahon na rin na maging ang PMA at Corps of Cadet na matuto sa kanilang pagkakamali at mag move on na.

Paliwanag ni Arevalo na ang kaso ng pangmamaltrato na ipinakita sa video ay hindi representasyon ng buong military school dahil hindi naman nila kinukunsinte ang hazing sa PMA.

Siniguro nito na may aksiyon ginagawa ang bagong pamunuan ng PMA para maiwasan ang pangmamaltrato sa mga kadete sa loob ng akademya.