Umaasa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na susunod ang mga local terrorist group sa bansa sa panawagan ng pangulong Rodrigo Duterte na tigil putukan o ceasefire muna dahil sa banta ng COVID-19.

Ayon kay AFP Spokesperson Brig Gen Edgard Arevalo ang panawagan ng pangulo ay patunay na kapakanan ng lahat ng mga Pilipino ang kanyang prayoridad sa mga ganitong sitwasyon sa bansa.

Sa panig naman ng AFP sinabi ni Arevalo gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya nang may commitment at dedikasyon para makatulong sa pagpigil sa pagkalat ng COVID 19.

Giit ni Arevalo ang kooperasyon ng lahat ng Pilipino ay kailangan sa mga panahong ito.