AFP SOLDIERS OPERATIONS HUEY CHOPPER
PAF Huey chopper (DND photo)

Mahigpit na mino-monitor ngayon ng militar at pulisya sa Southern Luzon ang mga natukoy na Muslim enclaves sa rehiyon.

Ito ay para maiwasan na may makapasok at bumisita na mga terorista lokal man o banyaga para manghikayat na umanib sa kanila.

Kapwa inamin ng militar at pulisya na hindi malayong magkaroon ng spillover sa bahagi ng Southern Luzon kasunod ng mga naitalang terroristic activities sa Mindanao.

Ayon kay Southern Luzon Command (SOLCOM) commander Lt. Gen. Gilbert Gapay may mga proactive measures na silang ipinatupad ukol dito lalo na ang pagpapalakas sa kanilang intelligence gathering.

Regular din ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Western Mindanao Command at sa kanilang mga counterpart na mga foreign agencies.

Sinabi ni Gapay na kanilang binabantayan lalo na ang paggamit ng mga IED component na ginagamit ng mga mining companies sa rehiyon gaya ng paggawa ng blasting caps at detonating cords.

Pinalawak din ng security forces ang kanilang kampanya para mapigilan ang tangkang recruitment ng teroristang grupo.

Samantala, ayon naman kay DIPO-Southern Luzon commander, Maj. Gen. Ericson Velasquez nakikipag-ugnayan sila sa mga barangay at hinimok na bantayan ang kanilang mga nasasakupan lalo na kapag may mga bagong mukha sa kanilang lugar.

Sinabi ni Velasquez na nakakaalarma na may naitala ng kauna-unahang suicide bomber sa bansa.

Sa ngayon wala pang na-identify na mga indibidwal na mga ISIS-inclined terrorists sa rehiyon.

“As of this time we feel na wala pa naman ganong level kasi nakakatakot there were already positive I think na meron na tayong locally suicide bomber. ‘Yon ang medyo nakakaalarma dito. Actually wala pa kaming na-identify but yung mga symptoms pinag aaralan because we do not want to be caught with our pants down. Dapat kasi as much as possible maprevent kung nandyan na at least maaprehend so we directed our police stations up to the provincial level and it is being supervised by regional directors to look into it. Alam naman natin na kapag nakapasok ito malaking damage ang ibibigay sa community,” ani Gen. Velasquez. “We do now is the preventive aspect on how we are going to prevent that these people or problem will spillover in Southern Luzon.”