-- Advertisements --

Nakiisa na rin ang matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagdo-donate ng porsyento ng kanilang sahod para sa mga kailangang gamit kontra COVID-19.

Ayon kay AFP spokesperson B/Gen. Edgard Arevalo, mula sa highest ranking General hanggang lowest ranking personnel ay magbabahagi ng kanilang donasyon.

Ikakaltas daw ito sa kanilang base pay para sa buwan ng Mayo dahil out for payment na raw ang sahod nila para sa kasalukuyang buwan.

“Since their salaries for the month of April are already out for payment, the donation—deductible from their base pays for the month of May— will be available by the 3rd week of April,” ani Arevalo.

Si AFP chief Gen. Felimon Santos daw ang magbibigay ng pinakamalaking kontribusyon na higit P10,000. Habang ang mga low ranking soldiers ay magdo-donate ng tig-100.

Inaasahan daw ng AFP na makakalikom sila ng halos P17-milyong donasyon, na agad din nilang itu-turnover sa Office of the Civil Defense.

“Through this humble gesture of AFP solidarity and unwavering support to the government it is sworn to protect and defend, we aim to share the burden in the nation’s fight against this contagion,” dagdag ng Armed Forces spokesperson.

“Our heart goes out to our people. Seeing and feeling their hardships daily from the checkpoints, quarantine centers, and relief distribution sites we man, we commit to them our resolute efforts to win over this pandemic; we are one with them in keeping the faith that together we will hurdle this test of the Filipino’s indomitable spirit.”

Kung maaalala ilang kongresista na ang nagpahayag na magdo-donate sila ng porsyento ng kanilang mga sahod pandagdag sa pondong pambili ng mga medical supplies at relief.

Maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay nagsabi na rin na ido-donate niya ang kanyang isang buwang sahod para sa COVID-19 response.