-- Advertisements --
image 27

Umaasa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na ang mga mananalo sa katatapos lang na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ay magiging katuwang nito sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa buong bansa.

Sinabi ni AFP Chief, General Romeo Brawner Jr., na ang pakikipagtulungan ng publiko sa mga kaukulang ahensya ng gobyerno ay humantong sa matagumpay at pangkalahatang mapayapang BSKE noong Oktubre 30.

Aniya, ang mga nanalo sa BSKE ay may responsibilidad na pagsilbihan ang kanilang mga nasasakupan.

Dagdag ng opsiyal na bahagi ng kanilang tungkulin ay tiyakin ang kaligtasan ng mga tao.

Mananatiling “vigilant and on alert” ang AFP para maiwasan ang anumang pagbabanta ng mga grupo na makagambala sa kapayapaan sa mga komunidad.

Samantala, binanggit din ng AFP chief ang kooperasyon ng Commission on Elections (Comelec), Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard (PCG), at Department of Education (DepEd) na nagbigay-daan sa kanila na makamit ang layunin sa isang secured , malaya, at maayos na pagsasagawa ng halalan.