Muling binigyang linaw ni AFP chief of Staff General Eduardo Año ang hindi mamatay matay na isyu kaugnay sa destabilization plot laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Tiniyak ni chief of staff na walang katotohanan ang nasabing mga tsimis.

Ito ay kasabay ng muling paglabas ng isyu na may nagbabalak na patalsikin sa pwesto ang pangulo.

Sinabi ni Año na buo ang suporta ng hanay ng AFP sa pangulo at kontento sila sa pamamalakad nito ng pamahalaan.

Wala rin anyang anumang namo-mo-monitor ang AFP ng anumang grupo na may balak patalsikin ang chief executive.