Ipinapaimbestiga ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Noel Clement ang mga nasa likod ng pag-mamanipula ng larawan ng mga sumukong miyembro ng New People’s Army.

Sinabi nito na dapat managot ang mga nasa likod ng pag-‘photoshop’ ng nasabing larawan.

Dagdag pa nito na alam ng military ang pag-validate at pag-review ng mga press releases na ilalabas.

Nauna rito nagbanta si Department of Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana na mahaharap sa kaso ang sinumang nagpasimuno ng pagmamanipula ng nasabing mga larawan.

Magugunitang umani ng batikos ang larawang inilabas ng AFP sa mga sumukong NPA sa Masbate dahil sa pag-photoshop sa larawan.