Kinumpirma ng kampo ng best seLondon-born singer na si Adele na tuluyan na itong hiwalay sa kanyang charity entrepreneur husband na si Simon Konecki.

Nagkaanak ang dalawa noong 2012.

Sa inilabas na pahayag ng kampo ni Adele, humihingi ito ng privacy at hindi na umano sila maglalabas ng kahit ano pang komento patungkol dito.

Inilabas naman noong 2008 ang debut album ng singer na tampok ang ilan sa kanyang mga sikat na kanta tulad ng Chasing Pavements at Hometown Glory.

Nanguna naman sa US at UK top charts ang ikalawang album nito na 21.

-- Advertisement --