Felicity Huffman
Felicity Huffman

Maluwag na tinangap ng actress na si Felicity Huffman ang naging hatol korte na makulong ng 14 na araw.

Ayon sa actress, bukas-loob niyang tinanggap ang nasabing hatol.

Pinagbabayad din siya ng korte ng aabot sa $300,000 at 250 oras ng community service at isang taon supervised release.

Magugunitang kasama siyang sinampahan ng kaso at ilang mga sikat na celebrities dahil sa pagbibigay ng lagay sa mga kilalang unibersidad para lamang makapasok ang kanilang mga anak.

Nakilala ang actress sa pagganap nito sa sikat na US TV series na Desperate Housewives at pelikulang “Hackers”, “Big Game” at maraming iba pa.