Felicity Huffman
Felicity Huffman

Nakalaya na mula sa pagkakakulong ang actress na si Felicity Huffman.

Ito ay dahil natapos na ng “Desperate Housewives” star ang 11 days ng dalawang linggong sentence nito sa federal prison ng Dublin, California.

Nagsimula ito ng makulong noong Octobre 15.

Magugunitang kabilang ang actress sa 30 mga magulang na nagbayad sa isang unibersidad para makapasok lamang ang kanilang anak sa sikat na unibersidad.

Pinalaya ito ng maaga dahil base sa polisiya ng bureau na kapag nataon sa Sabado, Linggo o legal holiday ang pagpalaya ng isang preso ay maaari na itong palayain ng mas maaga.