Naghain nang guilty plea ang actress na si Felicity Huffman dahil sa kaso nitong bribery at ilang kaso ng pandaraya sa college admission scandal.

Kasama ng actress na naghain ng guilty plea ang 13 mayayamang magulang at isang coach matapos na magbayad ng malaking halaga para makapasok at makapag-aral ang kanilang anak sa mga mamahaling unibersidad sa federal prosecutors sa Boston.

Sa pahayag nito ay tinanggap niya ang nasabing kaso at siya ay labis na nagsisisi.

Handa rin daw nitong tanggapin ang anumang parusang ipapataw sa kaniya.

Ang “Desperate Housewives” star ay umaming nagbayad ng $15,000 para sa pekeng charity na konektado kay Rick Singer para ayusin ang pandaraya ng kaniyang anak na babae.

-- Advertisement --