Dumalo sa pagdinig ng kaniyang kaso ang actress na si Felicity Huffman.

Kasama nitong dumalo sa pagdinig ang kapwa actress na si Lori Loughlin sa federal court sa Boston matapos na ireklamo ito sa college bribery.

sMahaharap ang “Desperate Housewives” actress at si Lori ng limang taon na pagkakakulong kapag mapatunayan ang kanilang pagkakasala.

Ang dalawa ay nakuhanan sa wiretapped conversation na kausap si William Rick Singer ang itinuturong nasa lider sa nasabing pagbabayad sa mga malalaking unibersidad para makapasok ng walang kahirap-hirap ang mga anak ng may kaya at celebrities.

Inakusahan si Lori at asawa nitong si Mossimo Giannulli na nagbayad ng halos $500,000 para makapasok ang dalawang anak nilang babae sa sikat na kolehiyo.