-- Advertisements --

Binago ng Department of Health (DOH) ang kanilang COVID-19 case projections para sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, patuloy na kumakalat ang virus pero sa mas mabagal na rate.

Sa kanilang tantiya, maaring aabot ang COVID-19 active cases ng 58,117 pagsapit ng Setyembre 30 bago ito bababa sa 54,780 sa Oktubre 15 at 46,536 sa Oktubre 31.

Nakikita rin nila na sa Oktubre maitatala ang peak pagdating sa mga active cases o iyong mga pasyenteng nagpapagaling pa sa COVID-19.

Samantala, sinabi rin ng DOH na posibleng makapagtala ng 6,085 na bagong mga kaso ng COVID-19 pagsapit ng Setyembre 30.

-- Advertisement --

Gayunman, nilinaw ni Vergeire na maari pa ring magbago ang mga projections na ito dahil nakabase lamang ang mga ito sa kanilang assumptions at mga pagbabago sa actual case trend.