Nakapagtala nitong araw ng Linggo ang Cebu City Health Department ng 48 na panibagong kaso ng coronavirus disease(COVID-19) sa lungsod ng Cebu habang 12 naman ang naidagadag sa mga nakarekober.

Nagmula ang mga nakarekober sa Labangon,11; at isa naman sa Tisa.

Maliban pa, nadagdagan din ng 8 ang pumanaw dahil sa nasabing virus kung saan nagmula ang mga ito sa Basak San Nicolas, Camputhaw, Hipodromo, Inayawan, Lahug, Tisa, at 2 naman nito ay sa Mambaling.

Umabot na sa 4,412 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng lungsod habang 2,104 ang total recoveries at 81 na ang mga namatay.

Sa ngayon, nasa 2, 227 ang total active cases ang Cebu City.