Nakatakdang dumating ngayong araw sa bansa si acting US Secretary of Defense Christopher Miller.

Acting US Secretary of Defense Christopher Miller

Manggagaling sa Indonesia si Miller kung saan ito ang unang pagkakataon na pagbisita nito sa bansa bilang acting US Secretary of Defense.

Makikipagpulong ito kina Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teddy Locsin Jr. at Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Bibisita rin ito sa US-Indo Pacific Command headquarters sa Hawaii.

Si Miller ay itinalaga ni US President Donald Trump noong Nobyembre 9 kapalit nang sinibak na si Mark Esper.