Morning in Boracay (photo from @Shyla Francisco)

KALIBO, Aklan – Umaabot na sa 347 na mga resorts at hotels ang binigyan ng pahintulot ng Boracay Inter-Agency Task Force na makapag-operate ng kanilang negosyo sa isla.

Ito ay batay sa updated list ng Department of Tourism (DOT).

Ang DOT-accredited establishment ay may kabuuang 12,876 rooms na maaaring tumanggap ng mga bisita sa kasagsagan ng summer season.

Kaugnay nito, muling pinaalalahanan ng DOT ang mga lokal at dayuhang turista na mga compliant establishment lamang ang pinapayagang maka-accommodate ng booking reservations.

Una rito, kaliwa’t kanan ang pagtibag sa mga establisyemento na nakitaan ng mga paglabag bilang bahagi pa rin ng nagpapatuloy na rehabilitation effort ng pamahalaan sa popular tourist destination sa buong mundo.