Muling ipinagbawal ng mga militar sa Myanmar ang pagkakaroon ng internet access ng mamamayan sa nasabing bansa.

Naitala ng UK-based monitor NetBlocks ang “near-total internet shutdown” mula ala-1 ng madaling araw. Ito na ang ikaapat na shutdown na naranasan ng Myanmar simula noong Pebrero 1.

Isa lamang ito sa mga paghihigpit na ginagawa ng bagong junta chief matapos nitong angkinin ang pwesto ni Myanmar leader Aung San Suu Kyi.

Una nang inanunsyo ng mga militar na may karampatang parusa ang naghihintay sa sinumang lalabag sa mga patakaran.

Hanggang ngayon ay wala pa ring access ang mamamayan ng Myanmar sa social media applications tulad ng Facebook, Twitter at Instagram.

-- Advertisement --