katie hill and husband 1

Pinagbintangan ni Democratic Representative Katie Hill ang kaniyang dating asawa na nasa likod umano nang pagpapakalat sa kaniyang malalaswang litrato upang siraan at dumihan ang kaniyang administrasyon.

Noong nakaraang linggo nang maglunsad ang House ethics committee ng imbestigasyon ukol sa mga alegasyon kay Hill dahil sa di-umano’y pakikipag-relasyon nito kay Graham Kelly.

Kasalukuyang gumugulong ngayon ang divorce proceeding ni Hill sa kaniyang nine-years husband na si Kenneth Heslep.

Ayon kay Hill, sigurado raw ito na ang kaniyang asawa ang nagpakalay ng kaniyang nude photos at mga pribadong mensahe sa kabila ng nasabing divorce proceedings.

Kinondena naman ng mga abogado ng mambabatas ang mga alegasyon laban dito at nagpadala ng cease-and-desist letter sa isang publication na tanggalin ang mga inilabas nilang nude photos ni Hill sa publiko.

Iginiit ni Hill na may ugnayan sila ni Kelly ngunit inamin niyang karelasyon niya ang kaniyang babaeng campaign aide. Proud bisexual si Hill at matagal na rin nitong adbokasiya ang LGBT equality sa Washington.

Naniniwala naman ang mga supporters ni Hill na biktima ito ng “revenge porn.” Itinuturing itong criminal offence sa halos lahat ng estado tulad na lamang ng California at Washington DC.

Nanalo si Hill laban sa isang Republican incumbent sa Los Angeles district 2018.