View this post on Instagram

🙏🏽

A post shared by calvin thebeast abueva (@abuevacalvinthebeast) on

Todo sorry ngayon ang ginawa ng kontrobersiyal na PBA star na si Calvin Abueva bilang bahagi ng kanyang pagnanais na makabalik sa paglalaro.

Sa inilabas na public apology gamit ang instagram, humingi nang paumanhin si Calvin sa PBA sa kanyang team na Phoenix Pulse, sa mga nakaaway sa PBA, gayundin lalo na sa mga basketball fans.

Kung maaalala noong buwan ng Hulyo ay pinatawan ng indefinite suspension si Abueva ng PBA matapos patirin (clothesline) ang import at Commissioner’s Cup Best Import na si Terrence Jones.

Nasadlak din si Abueva, 31, sa bastusin ang girlfriend ng rookie player na si Bobby Ray Parks na si Maika Rivera.

Nagpadagdag pa sa kasalanan nito ang paglalaro sa ligang basketbol o labas na sa PBA.

Una nang pinagmulta si Abueva ng malaking halaga kung saan apat na buwan na siyang hindi nakakalaro.

Sa ngayon wala pa namang pahayag si PBA Commissioner Willie Marcial kung papayagan na siyang makabalik sa paglalaro dahil dadaan pa ito sa proseso.

Bagamat pinayagan naman siyang makasali hanggang practice lamang sa kanyang koponan.

CALVIN ABUEVA

Ang Fuel Masters ay nangungulelat ngayon na nasa pang-10 puwesto sa Governors’ Cup na may 2-5 record.

Kamakailan lamang naiskandalo pa si Abueva nang maglabas ng kanyang hinaing ang misis nito sa pamamagitan ng social media na inakusahan ang basketbolista nang pananakit at iba pa.

“Ako po ay humihingi nang paumanhin sa mga nagawa ko sa PBA, at sa Talk ‘n Text, Talk ‘n Text fans, sa Phoenix Fuel management, at sa Phoenix fans at lalo na po sa Board of Governors, kay Commissioner Willie Marcial, kay Bobby Ray Parks and Mika Rivera and then sa PBA family. Ako po ay humihingi ng dispensa sa mga nagawa ko po. At ipagpapatuloy ko po kung ano po ang mga nasimulan ko at sana po pagbigyan nyo pa po ako. Salamat po.”