Gagamit si Calvin Abueva ng jersey number 12 sa paglalaro nito sa Magnolia sa pagsisimula ng 2021season ng PBA.

Sa kaniyang social media, ibinunyag ng 33-anyos na PBA player ang gagamitin nitong jersey number.

Hindi na nagbigay pa ito ng dahilan sa paggamit nito ng nasabing jersey number.

Hindi na kasi maaaring gamitin sa Magnolia ang jersey number na 7 at 8 na gamit niya sa dating koponan na Phoenix Fuel.

Ang numero 8 ay suot ng dating star guard ng Magnolia na si PJ Simon na nakatakdang i-retire na ng koponan habang ang numero 7 ay niretiro na bilang pagkilala kay Rey Evangelista.

Magugunitang lumipat sa HotShots mula sa Phoenix si Abueva kapalit ni Chris Banchero.