Minultahan sina Christian Standhardinger at Calvin Abueva dahil sa naganap na banggaan nila sa Game 3 ng PBA Philippine Cup sa pagitan ng San Miguel Beermen at Phoenix.

Nagkakahalaga ng P20,000 ang ipinataw na multa kay Beermen player Standhardinger dahil sa flagrant foul 2 habang P15,000 naman kay Abueva ng Phoenix dahil sa pag-dirty finger ng ilang beses sa harap ng camera.

Tanging multa lamang ipinataw sa dalawa a hindi na sila sinuspendi.

Nagsimula ito ng kapwa natumba ang dalawa dahil sa pag-aagawan ng bola kung saan nasipa ng Filipino-German ang mukha ni Abueva.

Kabilang din na namultahan si Doug Kramer ng Phoenix dahil sa flagrant foul 1 laban kay June Mar Fajardo.