Dead on arrival sa isang pagamutan ang isang abogada matapos binaril ng hindi pa nakilalang riding in tandem pasado alas 2:50 ng hapon kanina sa Barangay Looc, lungsod Danao Cebu.

Kinilala ang biktima na si Atty. Baby Maria Concepcion Landero Ole, residente ng Camaligbato, Barangay Taboc ng nasabing lungsod.

Ayon pa sa mga otoridad, lulan ang biktima sa puti nitong pickup truck nang pinaulanan ito ng mga bala sa mga suspek na nakamotorsiklo.

Patuloy naman sa ngayon ang imbestigasyon ng mga otoridad sa motibo at mga suspek sa likod ng nangyaring krimen.