Miss Earth 2019
MIss Earth/ FB image

NAGA CITY- Pinaplantsa na ngayon ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Naga ang mga dokumento kaugnay ng planong pagsasagawa ng Miss Earth 2019 sa syudad.

Sa pagharap sa media ni Mayor Nelson Legacion sinabi nito na sa darating na Oktubre 26, 2019 ang tentative date ng coronation night.

Inaasahang lalahukan ito ng mahigit 70 kandidata mula sa iba’t ibang bansa.

Ayon pa kay Legacion, sa pag-uusap nila chairman ng Miss Earth papeles na lamang umano ang hinihintay para sa nasabing programa.

Sakaling matuloy, ito aniya ang pinaka-unang international event na gagawin sa syudad.

Samantala, pinaghahandaan na umano ngayon ang magiging venue, seguridad pati ang convenience ng mga bisita ganun na rin ng mga kandidata.