-- Advertisements --

Nagkabanggaan ang dalawang eroplanong nagta-taxi sa Miami International Airport, Florida nitong Sabado, Nobyembre 15, na ikinasugat ng dalawang katao.

Ito’y matapos tumama ang dulo ng pakpak ng isang Boeing 737 ng Copa Airlines sa ilong ng isang pang eroplano ng UPS Boeing 767 habang nagta-taxi ang mga ito sa runway, ayon sa pahayag ng Federal Aviation Administration.

Magta-taxi sana sa gate ang naturang eroplano mula sa Copa Airlines habang lilipad naman tungong Bogota, Colombia ang eroplano ng UPS.

Lulan ng eroplano ng Copa ang 166 na pasahero at anim na crew members noong naganap ang banggaan.

Dalawang katao ang naitalang nagtamo ng bahagyang pinsala at kaagad binigyan ng paunang lunas.