-- Advertisements --

Pinangunahan ni Lebron James ang panalo ng Philadelphia 76ers laban sa defending champion na New York Knicks ngayong araw (Oct. 31), 98-93.

Sa kabila ng edad na 41, nagawa ng NBA superstar na magbulsa ng 20 points, siyam na rebounds, at walong assists, kasama ang tig-isang steal at block.

Naging puhunan ng Sixers ang magandang depensa upang pigilan ang tangka ng defending champion na 4th-quarter comeback sa pangunguna ng sharpshooter na si Jalen Brunson.

Pinilit kasi ng Knicks na habulin ang hanggang 14-point lead ng Sixers sa 2nd half ng laban, lalo na sa unang bahagi ng 4th quarter ngunit nangibabaw pa rin ang depensa ng Phila sa clutch time.

Tatlumpong segundo (31 secs) bago matapos ang laban, apat na puntos na lamang ang lamang ng Phila at naibaba ito sa tatlong puntos matapos maipasok ni Brunson ang isa sa dalawang iginawad sa kaniya na free throw.

Agad namang gumanti si Sixers guard Tyrese Maxey at tinangka ang isang layup. Bagaman hindi pumasok ang naturang shot, hinabol ito ni Lebron at tuluyang iposte ang score sa 96-91, 12 secs bago matapos ang laban.

Hindi na nakahabol pa ang defending champion at dinanas ang 5-point loss sa kamay ng star-studded na Sixers.

Hawak ng Sixers ang win-loss record na 5-1 habang lalo pang lumubo ang pagkatalo ng Knics sa apat, hawak ang dalawang panalo.