Nasilayan muli ng publiko si Pope Leo XIV nitong Linggo, Oktubre 18, sa St. Peter’s Square sa Vatican City matapos ang kaniyang matagumpay na lung cancer operation nitong Martes.
Ito ang unang malaking pagharap sa publiko ng Santo Papa mula nang makalabas ito sa Rome’s Gemelli hospital nito lamang ng Sabado.
Pinasalamatan din ni Pope Leo XIV ang mga nagdasal para sa kaniyang kalagayan kung saan ibinahagi rin niya ang kaniyang pagbabalik sa kaniyang responsibilidad bilang Santo Papa.
Kaugnay rin nito, nilinaw rin ng doktor ni Pope Leo XIV na “fit to travel” ang Santo Papa para sa nakatakda niyang papal voyage sa darating na Nobyembre 6-17 sa Uruguay, Argentina, at Peru — mga bansa kung saan dalawang dekadang nanungkulan bilang missionary si Pope Leo XIV.














