-- Advertisements --

Sinagot ni National Bureau of Investigation Dir. Atty. Melvin Matibag ang pagturing sa kanya ni Vice President Sara Duterte bilang ‘nobody’. 

Aminado si NBI Dir. Matibag na masasabing ‘nobody’ talaga siya lalo na kung ang basehan ay pagkakaroon ng mansyon at negosyo. 

‘Nobody’ din aniya siya kung ang pinagbabasehan ay ang natatanggap na pera mula sa Chinese state-owned companies. 

Gayunpaman, makakatiyak daw na tuloy-tuloy pa rin ang pagtupad ng kawanihan sa mandato nito at makakaasang hindi mahihinto ang imbestigasyon.

Magugunitang sinabi ni Vice President Sara Duterte na siya’y hindi interesado sa naturang direktor matapos himukin maghain ng kaso kung mali may man sa kanilang ginagawang pag-iimbestiga. 

May forum na aniya sa Office of the Ombudsman at Senate Impeachment Court para maayos na sagutin ang mga alegasyon patungkol sa kanyang SALN o Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth. 

Kung babalikan, sa makaraan pulong balitaan ng National Bureau of Investigation, inanyayahan ng direktor ang bise presidente na maghain ng habla at idaan sa tamang proseso ang pagkwestyon sa kanilang imbestigasyon.